SHENZHEN, China – Ipinahayag ng FIBA nitong Lunes (Martes sa Manila0 na gaganapin ang FIBA 3x3 Asia Cup 2018 sa Shenzhen, China sa Abril 29 – May 1, 2018.

Sa ikatlong pagkakataon, host ang Chinese Basketball Association (CBA) sa pinakamalaking 3x3 competition sa Asia at Oceania, sa pakikipagtulungan ng private promoter SunsSports at Shenzhen City.

Naging host ang China sa FIBA 3x3 World Cup 2016 sa Guangzhou at FIBA 3x3 U18 World Cup 2017 sa Chengdu, bukod sa ginawang final ng professional 3x3 season, at FIBA 3x3 World Tour Final 2017 sa Beijing.

“We are glad to bring the FIBA 3x3 Asia Cup for the first time in China”, pahayag ni CBB 3x3 Director Chai Wensheng.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“After our successful cooperation with SunsSports at the FIBA 3x3 World Cup 2016, we’re excited to host another marquee 3x3 event, this time in the city of Shenzhen.”

Nilagdaan ng CBA at FIBA ang apat na taong kontrata na nagbibigay garantiya na host ang Shenzhen ng FIBA 3x3 Asia Cup hanggang 2021.

“It is our great pleasure to have the FIBA 3x3 Asia Cup 2018 in China,” pahayag ni FIBA Asia Executive Director Hagop Khajirian.

“This will represent another chance for the best teams in the region to prepare for the goal to play 3x3 at the Tokyo 2020 Olympics.”

Gaganapin ang torneo sa state-of-the-art Nanshan Cultural & Sports Center.