Ni NORA V. CALDERON

GRAND Christmas vacation ang lahat ng hosts ng Eat Bulaga ngayong December. Pero lahat sila ay sabay-sabay nang aapir sa January 1, 2018. Nakaugalian na ng show na first day of the year ay live na sila at present ang lahat ng hosts.

MAINE copy

Nauna nang pinayagang magbakasyon ni TAPE Inc. honcho Antonio P. Tuviera si Maine Mendoza. Sa December 19 naman ang alis ni Alden Richards at ng buo niyang pamilya papuntang Japan at bago mag-New Year ay balik na rin sila. Si Ryan Agoncillo ay itinuluy-tuloy na rin ang bakasyon habang nagti-therapy pa sa kanyang inoperahang likod. Tiyak na kanya-kanya rin ng bakasyon ang iba pang hosts na sina Senator Tito Sotto, Joey de Leon, Allan K, Ruby Rodriguez, Luane Dy (na sana raw ay tuluyan nang maging mainstay ng show), Pia Guanio, Jimmy Santos, Anjo Yllana at ang mga batang hosts na sina Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tiyak na rin ang pagbalik ni Pauleen Luna-Sotto ngayong nabinyagan na ang anak nila ni Vic Sotto na si Baby Talitha na isinilang niya noong November 6, kaya tapos na ang maternity leave niya. Pero sabi nga ni Bossing Vic, dito lang sila sa Pilipinas dahil masyado pang maliit si Baby Talitha para dalhin kung saan-saan.

As to the projects na dapat asahan sa TAPE/APT Entertainment, tuloy na ang shooting ng movie nina Alden at Maine, under Mike Tuviera, at noon pa ay nabanggit na rin na muling magkakaroon ng Eat Bulaga show sa USA ang buong Dabarkads, tulad ng ilang beses na rin nilang nagawa noon. At sa April, 2018, tiyak na ang paglipat ng EB sa 4-storey APT Studio sa Cainta, Rizal na itinayo sa 3,000 sq. meter lot at mas marami na ang makakapasok sa live audience studio nila. By that time siguro ay tapos na ang ginagawang LRT station doon at medyo bawas na ang traffic.

By January, 2018, tiyak na mas marami pang magagandang segment na sisimulan ang Eat Bulaga na nasa 39th year na ngayon.