Hindi na oobligahin ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito na selyuhan ang dulo ng kanilang service firearms bilang bahagi ng nakagawian nang security measures laban sa indiscriminate firing.

Sinabi ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na ito ang ikalawang taon na ipatutupad ang polisiya niya na huwag nang busalan ang baril ng mga pulis.

“We have already stopped doing that last year then what happened. The result was very positive. No policeman was charged with indiscriminate firing,” ani Dela Rosa.

Sa nakalipas, nagsasagawa ang liderato ng PNP ng seremonya ng paglalagay ng packaging tape na nilagdaan ng mga commander kasunod ng pagtaas ng bilang ng indiscriminate firing.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa ilang kaso, may mga pulis na nahuli o inireklamo dahil sa pagpapaputok.

Ngunit sinabi ni dela Rosa na umaasa siya sa tiwala at kumpiyansa niya sa kanyang mga tauhan na hindi sila lalabag sa kanyang kautusan, idiniin ang mabigat na parusang naghihintay sa mga ito.

“I don’t think we need to that again. We trust our policemen that they will not do that,” ani Dela Rosa.

Bukod dito, inaasahan ni Dela Rosa na magiging abala ang kanyang mga pulis sa Pasko at Bagong Taon sa pagbibigay ng seguridad at istriktong pagtupad sa kanyang kautusan sa one-strike policy sa indiscriminate firing-related deaths.

Magugunita na kaagad na inalis at kinasuhan ang police commander sa lugar kung saan may namatay dahil sa indiscriminate, lalo na sa Bagong Taon.

“If they fail to solve it within 24 hours, then they will be relieved,” ani dela Rosa.- Aaron Recuenco