NANGIBABAW ang Ateneo sa duwelo nang walang gurlis na koponan nang pabagsakin ang National University, 64-49, nitong Sabado sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Naitala ng Blue Eaglets ang ikaanim na sunod na panalo (6-0) para manatiling tanging koponan sa liga na may malinis na marka. Bagsak ang Bullpups sa 5-1. Target ng Katipunan-based cagers na walisin ang elimination s a pagharap sa La Salle Zobel sa susunod na Sabado.

Ratsada si SJ Belangel sa natipang 14 puntos, pitong rebounds, walong assists, at apat na steals, habang kumana si Dave Ildefonso ng 12 puntos at 12 rebounds para sa Blue Eaglets. Nag-ambag si Joaqui Manuel ng 10 puntos.

Pinangunahan naman ni Kai Sotto ang depensa ng Blue Eaglets sa kanyang 12 rebounds at walong blocks at may anim na puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nadomina ng Blue Eaglets ang Bullpups para maitarak ang 24 puntos na bentahe.

Nanguna sa NU si Terrence Fortea na may siyam na puntos.