Ni Orly L. Barcala

Patay ang isang matandang lalaki nang masagasaan ng rumaragasang 10-wheeler truck habang tumatawid sa kalsada sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Ricardo Quinco, 70, dahil sa matinding pinsala sa kawatan.

Ayon sa mga saksi, tumatawid ang biktima sa Rizal Avenue, corner 5th Avenue, dakong 2:00 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasa kalagitnaan na ng kalsada si Quinco nang mabundol ng rumaragasang truck at nagulungan pa ang katawan nito.

Sa halip na huminto ang driver ng truck para tulungan ang biktima, humarurot ito papalayo.

Napag-alaman na madilim sa lugar kaya hindi naplakahan ang truck.

Ayon naman kay PO1 Magno Cagurungan, titingnan nila kung may closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar upang malaman ang plate number ng sasakyan.

“Kapag nakilala natin ‘yung driver kakasuhan natin ng reckless imprudence in resulting to homicide,” ani PO1 Cagurungan.