Ni Celo Lagmay

DAHIL sa magkakasalungat na mga paninindigan hinggil sa pag-iral ng martial law sa Mindanao, nagmistulang hulaan o guessing game naman kung ito ay palalawigin pa o tuluyan nang aalisin ni Pangulong Duterte. Ang naturang mga impresyon ay nakaangkla sa kawalan pa ng rekomendasyon ng Department of National Defense (DND) tungkol sa sitwasyon ng batas militar sa naturang rehiyon; kung mayroon man, maaaring ihahayag ito anumang oras mula ngayon.

Hanggang ngayon ay matindi pa rin ang pagtutol at kahilingan ng mga kritiko ng Duterte administration na alisin na ang martial law sa Mindanao. Lagi nilang binibigyang-diin na ang batas militar ang kumitil sa karapatan ng sambayanan na nagmistulang mga lumpo sa pagkakait ng kalayaan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Dapat lamang asahan na ang panggagalaiti ng mga tagapagtaguyod ng mga karapatang pantao sa pagpapairal ng martial law. Lagi nila itong inihahalintulad sa martial law na idineklara ng yumaong Ferdinand Marcos noong 1972. Hindi lamang kinitil ang karapatan ng sambayanan kundi mistulang pinatay ang demokrasya. Katakut-takot ang mga ikinulong, maraming napatay at lalong marami ang sinasabing dinukot at hindi na lumitaw.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bilang isa sa mga nakasaksi sa deklarasyon ng martial law noong panahon ng diktadurya, naniniwala ako na naiiba ang batas militar na pinairal ni Pangulong Duterte. Hindi ito pagkatig sa administrasyon, subalit kumbinsido ako na layunin lamang ng naturang paghihigpit na iligtas ang bansa sa mga manliligalig.

Ipinatupad ang martial law noong lusubin ng Maute Group and Marawi City, sa pakikiisa ng mga teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Bunga nito, hindi lamang nawasak ang naturang siyudad kundi nakitil pa ang maraming buhay hindi lamang sa panig ng mga terorista kundi maging sa grupo ng ating mga pulis at sundalo.

Sa bahaging ito, hindi nagbabago ang ating kutob na palawigin ni Pangulong Duterte ang pag-iral ng martial law sa Mindanao; at hindi malayo na ito ay posibleng pagapangin sa buong kapuluan.

Hindi humuhupa ang determinasyon ng mga bandido, terorista at rebelde na maghasik ng mga karahasan sa iba’t ibang panig ng Mindanao. Patuloy ang sinasabing pangangalap ng Maute Group ng kanilang kaalyado upang paigtingin ang pakikidigma sa tropa ng gobyerno.

Hanggang ngayon, kabi-kabila ang pananambang at pagpapasabog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa mga kampo ng militar.

Hindi ko pinangungunahan ang Pangulo, ngunit hindi ako naniniwala na aalisin ng Pangulo ang martial law sa Mindanao. Ito ang aking fearless forecast.