Ni Danny J. Estacio

TIAONG, Quezon – Isang babaeng abogado na division head ng Social Security System (SSS) regional office ang binaril at napatay ng dalawang hindi pa kilalang suspek sa loob ng pag-aaring gasolinahan sa diversion road sa Barangay Lalig, Tiaong, Quezon, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Rhoderick Armamento, director ng Quezon Police Provincial Office, ang biktimang si Expectacion B. Baldeo, 64, biyuda ni dating Quezon 2nd District Board Member Regore Baldeo, at ina ni incumbent Councilor Monica Baldeo, at taga-Villa Rosario Subdivision sa Bgy. Lumingon, Tiaong.

Ayon kay Senior Supt. Armamento, bandang 6:20 ng gabi at nasa loob ng kanyang opisina sa gasolinahan ng Ebrex ang biktima nang pumasok ang isa sa mga suspek na nagpanggap na magpapatulong tungkol sa problema nito sa SSS.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Batay sa mga ulat, nang mabatid na kaharap na ang kanyang target ay malapitang binaril ng suspek ang biktima na tinamaan sa mukha at dibdib. Hindi naman nasaktan ang bisor sa gasolinahan na kausap ng biktima nang pasukin ng suspek.

Ilang taon na ang nakalipas nang paslangin din ang bokal na mister ng biktima sa Bgy. Cabay sa Tiaong.