Ni REGGEE BONOAN

PAGKATAPOS maipamigay ang Chanel bag sa napakasuwerteng loyal follower at bagamat hindi pa nagsisimula ang 12 gifts of Christmas na may nauna nang 50 iflix gift certificates at Louis Vuitton bag, heto at muli nang nag-post si Kris Aquino ng karagdagan pang regalo na tiyak na ikatutuwa naman ng mahihilig sa cappuccino.

kRIS copy

Sa isa sa mga latest post ni Kris, ang sabi niya, “I had the Nespresso Pixie (sorry to make inggit but mine is neon yellow/chartreuse) and I now have Aeroccino 4 (the milk Frother, but I use the super low froth setting & primarily use it for heating) in my room. I LOVE BOTH! I want to share #myNespressomoment with all of you -- so as part of my #Christmaslovelovelove sharing & gift giving we’ll be choosing 1 of you to receive exactly what I have (but yours will be red in the spirit of ❤️&?). I think by now you know what to do, like my post to register & tag me & my KCAP team will be stalking your accounts.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa rami na ng nabiling Nespresso machine ng Queen of All Media, hindi pa ba siya kinukuhang endorser nito, Bossing DMB?

(Your guess is as good as mine, Reggee, hahaha! --DMB)

Since coffee drinker kami, sana kami ang mapalad na manalo ng sosyal na Nespresso machine ni Kris.

Anyway, seryoso ba talaga ang mama nina Joshua at Bimby na BTSarmy na rin siya? Dahil naka-Gucci outfit ang sikat na Korean boy band ay nagustuhan na sila ni Kris at nabanggit pa na manonood siya kapag nagkaroon ito ng show sa Tokyo, Bangkok o Singapore.

At mukhang stalker na ng BTS ang sosyal na si Kris dahil bago maghatinggabi nitong Linggo ay may ipinost siya tungkol sa banda.

“I just read this: According to the organization’s website, BTS and their label, Big Hit Entertainment, started working on the campaign in early 2017, and decided to partner with UNICEF as the first artists in Korea to raise money for a global campaign. The band will sponsor #ENDViolence, a UNICEF campaign committed to making the world a safer place so that that children and teenagers will be able to live happy and healthy lives, without living in the fear of violence. Realizing now why I felt an instant connection. #BTS #btsarmy (good night from I’m assuming the oldest army member.”

Kung nakakaaliw ang pagkakaroon ng bagong paboritong singing group ni Kris, equally nakakaaliw din ang mga komentong sa post niya. Hindi kasi sukat maisip ng followers niya na mahuhumaling din siya sa K-POP tulad ng mga anak nila at maging ng iba rin mismo sa kanila.

Samantala, hindi na kailangang pumunta pa ni Tetay sa Bangkok, Tokyo o Singapore para mapanood nang personal ang BTS Army dahil pupunta pala sila ng Pilipinas, ayon sa follower niyang si Superoche09.

Sabi nito, “Hi Ms. @krisaquino they will be here in Manila on January (2018) for 2017 Golden Disk Awards. The first time for PH to host an award shows for Korean’s music and entertainment. Amazing, di ba? Btw, Joongkook, one of the members of BTS has a golden voice, try to listen I’M IN LOVE originally by Narsha but his rendition is soo nakaka-in love and giving a happy virus.”