Ipinag-utos ni Quezon City Police District (QCPD) director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar ang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang obrero sa Quezon City kahapon.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Hilario Wanawan, kinilala ang biktima na si Enrico Carlos y Parado, 39, ng No. 20 M. Aquino Street, Barangay Sta. Lucia, Quezon City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, pinasok ng armado ang bahay ni Carlos at pinaulanan ng bala ang huli, bandang 8:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay Arman Parado, pinsan ng biktima, hindi siya makapaniwala sa pagtambad ng bangkay ni Carlos nang bisitahin niya ito sa bahay nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, nakuha nila ang isang cal .38 at mga basyo ng bala. - Jun Fabon