Ni: Bert de Guzman
Bibigyan ng sapat na pondo ang panukala na layuning maprotektahan at mapangalagaan ang iba’t ibang flora at fauna sa Pilipinas.
Inaprubahan ng House Appropriations Committee ni Davao City Rep. Karlo Nograles ang funding provisions ng panukala na “Ensuring The Preservation and Management of Protected Areas”.
Sa panukala ay pinagsama ang House Bill (HB) No. 177 nina Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato at HB No. 133 ni AKO Bicol Party-List Reps. Rodel Batocabe, Alfredo Garbin, at Christopher Co.
Sinabi ni Nograles na kinikilala ng mga panukala ang mayamang biodiversity sa Pilipinas at ang pangangalaga sa mga ito.