“No To New Taxes!” sigaw ng isang grupo ng mga militante.

Kasabay ng paggunita sa ika-154 na taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, nagsama-sama ang mga miyembro ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) upang tutulan ang tax reform bill.

Anila, dapat ibasura ang tinagurian nilang “Monster Train Bill” at sa halip ay panatilihin ang 12% value added tax exemption para sa mga low-cost socialized housing.

Sa datos ng pamahalaan, mahigit P200 bilyon ang hindi nakokolekta ng Department of Finance-Bureau of Customs (DoF-BoC) dahil sa technical smuggling, ayon sa pangulo ng UFCC na si Rodolfo RJ Javellana.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Our members are mostly overseas Filipino workers and consumers who can ill afford to purchase our own homes with our average take-home pay of P30,000 with the current housing prices of P450,000 to P3 million for socialized, economic and low-cost housing,” ayon kay Javellana, bilang pagtutol sa ipinapanukala ni Sen. Angara na patawan ng 12% buwis ang mga housing unit na nagkakahalaga ng P450,000 pataas. - Jun Fabon