Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos na maka-enkuwentro ang tropa ng pamahalaan sa bayan ng Alabel sa Sarangani, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Col. Roberto Ancan, commander ng 102nd Infantry Brigade ng Philippine Army, na hindi pa nakikilala ang dalawang rebelde na nasawi sa labanan.

Ayon sa report, nakasagupa ng mga tauhan ng 73rd Infantry Battalion ang pangkat ng mga rebelde sa Sitio Balataan, Barangay Pag-asa, Alabel, dakong 6:30 ng umaga.

Narekober ng militar ang limang matataas na kalibre ng armas sa pinagyarihan ng bakbakan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaugnay nito, ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na sa Mindanao nagre-recruit ang NPA at dinadala ang mga bagong mandirigma sa Visayas at Luzon.

Patunay dito, ayon kay dela Rosa, ang engkuwentro kamakailan sa Cagayan Valley at sa Ilocos region, na ang mga rebeldeng nakasagupa ng mga awtoridad ay nagsasalita ng Bisaya.

Kasabay nito, inalerto ni dela Rosa ang Iloilo City Police Office kasunod ng napaulat na pag-deploy ng NPA ng dagdag-puwersa nito sa siyudad. - Fer Taboy