Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Muling binigyang-diin kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaasa siyang hindi na kakailanganin pang magdeklara siya ng revolutionary government (RevGov) sa Pilipinas, kasabay ng sabay-sabay na pagdaraos kahapon—ika-154 na anibersaryo ng kapanganakan ng pinakakilalang rebolusyonaryong Pilipino, si Andres Bonifacio—ng mga rally ng mga sumusuporta rito.

Ito ay makaraang ipahayag sa social media ng ilang grupo na magsasagawa sila ng mga rally upang igiit sa Pangulo na magdeklara na ng revolutionary government upang maresolba ang mga problema sa bansa, partikular na ang banta sa terorismo, krimen, kurapsiyon, at ilegal na droga.

Sa isang panayam na na-post sa Facebook page ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson, sinabihan ni Duterte ang mga RevGov rallyist na walang dahilan upang magdeklara siya ng revolutionary government.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“There’s no need really to declare a revolutionary government. I hope there will never be a time that I will be compelled to call for it,” sabi ni Duterte. “Only when the Republic of the Philippines is dying, siguro. But other than that, wala (na dahilan).”

Gayunman, sinabi ng Pangulo na hindi niya pipigilan ang nasabing rally, pero iginiit sa mga pro-RevGov na gawing mapayapa ang kanilang pagtitipon at hindi makakaperhuwisyo sa publiko.