2017 Philippine National Figure Skating Championships Winners with officials (contributed photo)
2017 Philippine National Figure Skating Championships Winners with officials (contributed photo)

Ni Brian Yalung

NAGNINGNING ang mga bagong stars sa ginanap na 2017 Philippine National Figure Skating Championships kamakailan sa MOA Skating Arena.

Hindi naglaro sina Olympian Michael Martinez at veteran Jules Alpe, ngunit naging kapana-panabik ang kompetisyon sa paglutang ng mga bagong skaters na maaring mailaban sa international meet tulad ni Yamato Rowe na nagwagi sa senior level tangan ang iskor na 129.34 kontra guest skater Chetan Reddy Kammakatla ng India.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Sa senior ladies, nagwagi si SEA Games bronze medallist Alisson Krsytle Perticheto sa iskor na 133.93 kontra Filipina Samantha Cabiles.

Naidepensa naman ni Sophia Guidote ang junior ladies division (87.60) kontra kina Dianne Gabrielle Panlilio (78.62) at Elia Mariel Mendoza (73.75).

Sa advance novice, namayagpag si Charmaine Skye Chua sa natipong iskor na 67.26 kontra Skye Frances Patenia (60.77) at Aiko Marie Shibata (54.06). Sa basic novice B, nagwagi si Anika Melle Angsico sa iskor na 25.10, kasunod sina Nicole Vasil Dristas at Haley Elizabeth Streleoff.

Nagningning din sa kani-kanilang divisions sina Hayden Isabel Bulacating sa pre-novice class (35.73) kontra Celine Tansipek at Czerrine Ramosm gayundin si Ayasofya Vittoria Aguirre sa juvenile division(27.25) laban kina Arielle Pascual at Shaelynn Adrianne Bolos.