Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY - Naging epektibo ang paglalagay ng checkpoint sa pangunahing kalsada ng Barangay Balete, Tarlac City dahil nakasabat ang pulisya ng tatlong hinihinalang drug addicts, nitong Martes ng tanghali.

Arestado sina James Leonard Pangan, 18; Bryan Bogonoc, 21; at Arro Cabilangan, 25, pawang taga-Bgy. Mabilog, Concepcion, Tarlac.

Narekober sa mga suspek ang apat na sachet ng hindi matiyak na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Dakong 12:30 ng tanghali nang maharang ng mga tauhan ng Police Community Precinct-9 at PPSC ang motorsiklo ni Cabilangan dahil wala itong plaka, hindi nakarehistro, at walang lisensiya at suot na helmet ang suspek.

Habang isinuko naman ni Bogonoc ang apat na sachet ng shabu sa mga awtoridad.