Ni: Marivic Awitan

ANG kanyang tagumpay sa larangan ng kalakalan ay nadala at napatunayan rin ni San Miguel Corporation president , Ramon S. Ang sa larangan ng sports.

Ang chief executive officer ng SMC ang napiling gawaran ng Danny Floro Executive of the Year award ng PBA Press Corps pagkaraang mawalis ng mga koponan nila ang nakaraang tatlong conferences ng 42nd season ng Philippine Basketball Association.

Napanalunan ng San Miguel Beer, ang SMC flagship ballclub, ang Philippine Cup at Commissioner’s Cup, habang ang kanilang sister-team Barangay Ginebra ang nagwagi ng season-ending Governors Cup.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Isa si Ang sa pararangalan sa 24th Annual Awards Night bukas sa Gloria Maris Restaurant sa Gateway Mall ng Araneta Center sa Cubao.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ang Executive of the Year ay igagawad kay Ang sa nakalipas na apat na taon matapos nyang magwagi noong 2014 nang magwagi ng Grand Slam ang Star na ngayo’y tatawagin ng Magnolia Hotshots.

Ang iba pang pararangalan sa nasabing event sina Kelly Williams (William “Bogs” Adornado Comeback Player of the Year), Chris Ross (Mighty Sports Defensive Player of the Year), at Jio Jalalon (Mr. Quality Minutes).

Sa unang pagkakataon ay igagawad din ang Game of the Season, award na mapupunta sa Governors Cup duel ng Barangay Ginebra at Star.

Nakatakda ring tumanggap ng rekognisyon sa pagtitipon sina Terrence Romeo (Mighty Sports Scoring Champion); LA Tenorio (Order of Merit); Roger Pogoy, Jalalon, Matthew Wright, Kevin Ferrer, Reden Celda (All-Rookie team) at sina Cone, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Beau Belga, Tenorio (All-Interview team) .