Ni: Gilbert Espeña

NAKAUNGOS si Makati Hope Christian School chess trainer Jan Roldan Oriendo kontra kay dating National University top player Norvin Gravillo sa sixth at final round para tanghaling kampeon sa katatapos na Concepcion Dos Chess Club non-master chess tournament na ginanap sa Bonita Homes, Concepcion Dos Marikina City.

Si Oriendo na nagkampeon sa 2010 Del de Guzman Chess Cup sa SM Marikina ay nakopo ang P1,000 champion’s purse.

Nakakolekta si Oriendo ng limang panalo at isang tabla sa anim na laro.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Hindi makakalimutan si Oriendo matapos pangunahan ang Polytechnic University of the Philippines sa championships’ trophy sa 2012 SCUAA-NCR, para putulin ang pananalasa ng Rizal Technological University chess team.

Pumangalawa naman si Mariveles Open Champion Jimson Linda na namayani kay Raffy Lobitana sa natipong 5.0 puntos, habang ang former Far Eastern University (FEU) player na si Antonio Zorilla ay ginapi si Juan Boy Fatallo tungo sa ika-3 puwesto na may 4.5 puntos.

Sa iba pang kaganapan ay nakihati ng puntos si Marlon Constantino kay Leo Cruz, panalo si Jaymarc Gutierrez kay Cris Advincula at namayani si Denden Cruz kontra kay April Joy Ramos.

Ayon kay tournament organizer Pastor Ranier Pascual ang susunod na torneo sa Disyembre 16 na kasabay ng pagdaraos ng Christmas party ng Concepcion Dos Chess Club. Maaaring mag-text o tumawag kay Pascual sa (0919) 656-9485 para sa dagdag detalye.