Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga pribadong kumpanya na tumalima sa tamang pay rules sa Huwebes, Nobyembre 30, Bonifacio Day, na isang regular holiday.

Iniutos ng DoLE sa mga employer na kung ang empleyado ay pumasok, babayaran ito ng 100% ng arawang sahod; kung nagtrabaho sa regular na bakasyon, 200% ng regular na suweldo ang babayaran sa unang walong oras.

Para sa pumasok ng mahigit sa walong oras (overtime work), siya ay babayaran ng karagdagang 30% ng hourly rate; habang ang nagtrabaho ng mahigit walong oras (overtime work) na tumapat sa day off ay babayaran ng karagdagang 30% ng hourly rate. - Mina Navarro

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'