IPINAGPATULOY kahapon ang giyera sa hardcourt ng Manila Brotherhood Basketball League Association, Inc.[MBBLAI] sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

Tampok ang banggaan ng dalawang powerhouse team na San Beda kontra AMA University sa 19-under sa ganap ng 9:00 ng umaga.

Sasabak naman ang La Salle Antipolo laban sa bagito pero mapanganib na Forthpack Basketball sa 17-under ng ligang inorganisa ng BBL sa pamumuno ni Erick Kirong ng Macway Travel kaagapay sina Chairman Otep Ronquillo, VP Ray Alao, DM Bradley, Nats Manarang , Omeng Divino at sa ayuda ng COCOLIFE,Macway Travel at PRINCE .

sa pang labanan sa 17-under ang matutunghayan sa under -17 sa paghaharap ng MPS kontra Arandia College dakong 11:00 ng umaga na susundan ng dikdikang Arellano University vs Arandia College sa parehong age category

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Patay kung patay naman para sa San Beda Taytay sa pakikipagtunggali nito kontra Passion Basketball sa 13-under division bandang ala-una ng hapon na susundan agad ng bakbakan ng magkaribal na koponan sa 14-under class.

Lilipat naman ang hostilidad ng naturang grassroot sports program sa AMA Gym bukas para sa panibagong five-header ng MBBLAI eliminations.