DAAN-DAANG NASAWI, NASUGATAN Sa sinapit ng kanyang mga mamamayan, nangako si Egyptian President Abdel Fattah al-Sisi ng agarang aksiyon sa “brutal force” makaraang mapatay ng mga armado ang nasa 235 mananamapalataya sa loob ng mosque sa probinsiya ng North Sinai. (AFP)
DAAN-DAANG NASAWI, NASUGATAN Sa sinapit ng kanyang mga mamamayan, nangako si Egyptian President Abdel Fattah al-Sisi ng agarang aksiyon sa “brutal force” makaraang mapatay ng mga armado ang nasa 235 mananamapalataya sa loob ng mosque sa probinsiya ng North Sinai. (AFP)

CAIRO (AFP) – Aabot sa 235 ang namatay habang mahigit 100 ang sugatang mananampalataya sa pambobomba at pamamaril sa mosque sa probinsiya ng North Sinai sa Egypt, ang pinakamatinding atake sa bansa ngayon.

Sumabog ang bomba sa Rawda mosque, nasa 40 kilometro (25 milya) ng kanlurang bahagi ng North Sinai capital na El-Arish, bago magpaputok ng baril ang mga armado sa Sufi worshippers na nagtipun-tipon doon para sa weekly Friday prayers, ayon sa mga opisyal.

Pinaligiran ng mga suspek ang mosque at nagtanim ng bomba sa labas, ayon sa mga saksi.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ibinulagta ng mga armado ang mga natatarantang mananampalataya sa pagtatangkang makaalis at makaligtas.

Kalaunan, sinira ng Egyptian air force ang mga sasakyan na ginamit sa pag-atake at ang lugar ng mga “terrorist” kung saan nakaimbak ang mga armas at bala, ayon sa tagapagsalita ng army nitong Biyernes.

Samantala, kinondena ni US President Donald Trump, sa pamamagitan ng Twitter, ang “horrible and cowardly terrorist attack on innocent and defenseless worshippers.”

Nagdeklara ng tatlong araw na pagluluksa si Egyptian President Abdel Fattah al-Sisi at nangako na “respond with brutal force” to the attack.

“The army and police will avenge our martyrs and return security and stability with force in the coming short period,” dagdag niya sa televised speech.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Russian President Vladimir Putin, sinabing ang atake “striking for its cruelty and cynicism”, habang umapaw naman ang pagkondena sa Israel, Iran, Saudi Arabia at iba pang bansa.

SUFIS TINATARGET NG IS

Walang umaako ng responsibilidad sa madugong pag-atake.

Ang Islamic State group sa Egypt ay nakapatay na ng daan-daang pulis at sundalo, at maging mga sibilyan na inakusang nakikipagtulungan sa awtoridad, sa mga pag-atake sa Sinai peninsula.

Tinarget na rin nila ang mga tagasunod ng mystical Sufi branch ng Sunni Islam at maging ang mga Kristiyano.

Kabilang sa mga biktima ng pag-atake nitong Biyernes ang mga sibilyan ang conscripts na nananalangin sa mosque.

Isang tribal leader at tagapamuno ng Bedouin militia na nakikipaglaban sa IS ang nakapagsabi sa AFP na ang mosque ay kilalang lugar na pinagtitipunan ng mga Sufis.

Kamakailan lamang ay dinukot at pinugutan ng mga jihadist ang isang matandang Sufi leader, inakusahang nagsasanay sa salamangka na mahigpit na ipinagbabawal sa Islam, at dinukor ang Sufi practitioners na kalaunan ay pawang pinalaya matapos “repenting.”