Ni: Marivic Awitan

NANGUNA sina LA Tenorio, Terrence Romeo, at Rookie of the Year Roger Pogoy sa unang listahan ng mga awardees na inilabas na nakatakdang parangalan sa darating na 24th PBAPC Awards Night sa susunod na linggo sa Gloria Maris Restaurant sa Gateway Mall sa Cubao.

Si Tenorio ay tatanggap ng parangal na Order of Merit honor, habang si Romeo ay napiling Mighty Sports Scoring Champion at si Pogoy naman ang nangunguna sa nahirang na All-Rookie team ng mga miyembro ng PBA Press Corps.

Ang Order of Merit award ay ibinibigay sa manlalarong may pinakamaraming beses na nagwagi ng Player of the Week honors sa kabuuan ng season. Napunta ito sa Barangay Ginebra veteran point guard dahil apat na beses siyang nanalo sa katatapos na ika-42 season.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Si Romeo naman ay nagtala ng PBA-best 23.3-point average per game upang maging top local scorer ng nagdaang season.

Ang Globalport gunner ang unang naging scoring champion sa loob ng nagdaang tatlong taon matapos na magwagi nang nasabing parangal ng apat na sunod na taon ni Gary David noong 2010-13.

Pinangungunahan naman ni Pogoy ng TNT Katropa ang napiling last season best rookie ang All-Rookie team na kinabibilangan nina Gilas Matthew Wright (Phoenix), Jio Jalalon (Star), Kevin Ferrer (Barangay Ginebra), at Reden Celda (KIA).

Gaya ng dati magsisilbing highlight ng awards night ang paggagawad sa Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year award.

Nariyan pa rin ang Danny Floro Executive of the Year award at ang Bogs Adornado Comeback Player of the Year plum.

Ang iba pang mga parangal na ibibigay at ang Mighty Sports Defensive Player of the Year, Mr. Quality Minutes, All-Interview team, at ang unang PBAPC Game of the Season award.