Ni: Ric Valmonte

SINANG-AYUNAN ni Sen. Ping Lacson ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang grupo ng terorista ang New People’s Army (NPA). Ayon kay Sen. Lacson, napapanahon na upang gawin ito ng Pangulo dahil ganito na ito kumilos pagkatapos mawalan ng idelohiya.

Nanununog, naninira, nananakot ng mga sibilyan at nangingikil sa anyo ng revolutionary taxation. “Kilala naman natin si Pangulong Duterte, natitiyak kong magreresponde ang ating security forces upang wakasan na itong halos kalahating siglong problema na ang idolohiya ay naging simpleng panunulisan na itinataguyod ng nag-iistilong hukbo ng mamamayan,” sabi pa ng Senador. Eh, ang pinakadulo ng pagkakategoryang terorista ang NPA, ayon kay Security Analyst Chester Cabalsa, ay patahimikin ng Pangulo ang kanyang kritiko at masarili ang kapangyarihan. “Ang maging diktador ay ang tanging alam na pamamaraan ng Pangulo ng paggogobyerno,” wika naman ni President Ashley Acedillo ng Institute of Policy, Strategy and Developmental Studies, Inc. Pati ba ito ay inaayunan din ni Sen. Lacson?

Pero, batay sa pahayag ng Senador, ang NPA ay problemang militar, kaya militar ang solusyon. Pero, salungat ito sa kasaysayan. Nang ideklara ni dating Pangulong Marcos ang martial law upang umano’y sagipin ang Republika sa mga komunista, ginamitan niya ito ng militar sa hangaring gapihin ito. Kahit buung-buo na nasa kanyang kamay ang lahat ng kapangyarihan, siya ay nabigo. Kasi, ang problemang rebelyon ay problemang ekonomiya. Nakaugat ito sa kahirapan na nagbubunga ng kawalan ng katarungan na epektibong recruiter ng NPA. Palulubhain lamang ang problema kapag remedyong militar ang inilapat na lunas dito. Lalo mahihirapan ang mamamayan dahil maisasama sila sa mga mapapaslang, masisira ang kanilang bayan at malalabag ang kanilang karapatang pantao tulad ng nangyari sa Marawi.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Huwag tayong magpalinlang sa ating paniniwala na ang NPA ay grupo na lang ng mga tulisan na walang nang ipinaglalabang simulain. Ang isa sa mga pinagsususpetsahang tatlong mataas na lider ng NPA na napatay kamakailan sa engkuwentro sa Cuartero, Capiz ay ang tinagurian nilang “crush ng bayan” na si Remy Beraye. Naging vice chairman ng student council ng Western Visayas... State University, pangulo ng League of Filipino Students, Iloilo Chapter, at opisyal ng Sangguniang Kabataan. “Kaming lubusang nakakakilala sa kanya, masasabi naming hindi siya extortionist o kayang gawin ang ibinibintang sa kanya at ipagdiwang pa ang kanyang kamatayan. Ginagawa niya ang kanyang sinasabi sa pagtulong sa mga biktima ng kawalan ng katarungan. Siya ay isang ideal student leader at kami ay hindi nagulat na ito ang pinili niyang uri ng buhay,” wika ng kanyang mga kaklase.