Nina MARY ANN SANTIAGO at LEONEL M. ABASOLA

Nagbitiw kahapon sa puwesto si Department of Transportation (DoTr) Undersecretary for Rails Cesar Chavez, sa kasagsagan ng isyu kung ligtas pang sakyan ang pinamamahalaan nilang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) dahil na rin sa halos araw-araw na aberya.

Sa isang press conference, sinabi ni Chavez na nag-resign siya dahil sa delicadeza.

Irrevocable ang kanyang pagbibitiw upang bigyan ng pagkakataon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade na makahanap ng taong mas kuwalipikado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inamin niya na ang lumalalang problema ng MRT-3 ang nagtulak sa kanya upang bumaba na sa puwesto.

“I’m tendering my irrevocable resignation. Hindi puwedeng lagi tayong naninisi sa nakaraan dahil sa responsibilidad na natin ito,” ani Chavez.

“I hope the President understands that in the light of recent events involving the MRT3 System, simple sense of delicadeza which I have adhered to throughout my professional life gives me no choice but to resign from m y said position,” paliwanag niya.

Sinabi ni Chavez na bago siya nagbitiw ay kinausap niya ang kanyang pamilya at sinuportahan naman nila ang kanyang pasiya.

Naniniwala naman si Senador Grace Poe na mas malalim ang dahilan ng pagbitiw ni Chavez.

“He seemed to be one of the DoTr officials who was determined to fully address all the issues plaguing the MRT. I recall he was instrumental in unearthing the persons involved in anomalies that caused these issues,” ani Poe.

Dapat higit pang alamin ng pamunuan ng DoTr kung ano talaga ang problema ng MRT at nawa’y magsilbng hudyat ang resignation ni Chavez, dagdag ng senadora.

“These issues should be properly and expeditiously resolved despite Usec Cesar Chavez’s resignation and especially considering the commuting horrors our people have to go through everyday,” ani Poe.

Inako ni Chavez ang responsibilidad sa mga aksidente sa MRT, kabilang ang pagkaputol ng braso ng isang pasahero at ang pagkahiwalay ng isang bagon.