Tiniyak ni Filipino prospect Reymart Gaballo na mananatiling malinis ang kanyang kartada matapos patulugin sa 2nd round ang beteranong si Ernesto Guerrero ng Mexico kamakailan sa Honululu, Hawai.

“I am very happy to win in my U.S. debut,” sabi ni Gaballo sa Philboxing.com. “I will continue to work to reach my dream to become a world champion.”

Napaganda ng 21-anyos na si Gaballo ang kanyang record sa perpektong 17 panalo,15 sa pamamagitan ng knockouts at umaasang maikakasa sa world rated boxer sa kanyang susunod na laban.

“Gaballo was very impressive tonight. With more experience and training I’m very confident he will be world champion soon,” sabi ni Sanman Promotions big boss JC Manangquil sa kanyang boksingerong binansagang “Gensan Assassin.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ipagpapatuloy ni Gaballo ang kanyang pagsasanay sa Miami, Florida sa ilalim ni Cuban coach Moro Fernandez. - Gilbert Espena