Ni: Mary Ann Santiago

Pinayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng water purification device, na umano’y nakagagawa ng tubig na “alkaline”, “oxygenated”, “ionized” at “hydrogenated”, at sinasabing may therapeutic claims.

Batay sa dalawang-pahinang advisory na pirmado ni FDA Director General Nela Charade Puno, partikular na inaabisuhan ng ahensiya ang publiko laban sa pagbili ng Biocera Alkaline Antioxidant Stick at Izumi 5P Antioxidant Water Ionizer.

Paalala ng FDA, hindi dapat magpadala ang publiko sa mapanlinlang na promosyon at therapeutic claims ng nasabing mga produkto.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ipinaliwanag ng FDA na ang therapeutic claims ng mga produkto ay dapat umanong dumaan sa valid clinical trials.

Idinagdag pa ng ahensiya na hindi dumaan ang mga produkto sa registration process ng FDA, kaya hindi nila magagarantiya ang kalidad at kaligtasan ng mga ito.