Isang 15-anyos na lalaki ang nasawi nang pagsasaksakin ng kapwa niya binatilyo sa isang riot ng mga kinaaaniban nilang grupo sa Port Area, Manila, kahapon ng madaling araw.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Gary Oliveros, 15, out-of-school youth, ng Baseco Compound, ngunit nasawi rin dahil sa dalawang tama ng saksak sa likod.

Samantala, pinaghahanap na ng mga awtoridad ang 17-anyos na binatilyong suspek na residente rin sa naturang lugar.

Batay sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), nabatid na dakong 2:00 ng umaga nang magpang-abot ang grupo ng biktima at suspek sa Baseco Market.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nakorner si Oliveros at hinataw ito ng suspek ng kahoy sa ulo at nang mapalupasay sa semento ay dalawang beses na sinaksak. - Mary Ann Santiago