Iginiit ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na kailangan nang bigyan ng emergency powers si Pangulong Duterte upang masolusyonan ang inaasahang pagsisikip pang trapiko habang nalalapit ang Pasko.

Ayon kay Andanar, dapat umanong ibigay kay Pangulong Duterte ang emergency powers nito dahil ito naman talaga ang hinihingi ng Presidente, lalung-lalo na sa mga panahong gaya nito.

Nabatid na ang Senate Bill 11, o ang Transportation Crisis Act of 2016, ang magbibigay sa Pangulo ng kapangyarihang iorganisa muli ang Department of Transportation (DOTr) at ang mga ahensiyang nasa ilalim nito.

Nakapaloob sa DOTr ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Umaasa rin ang opisyal na maipapasa na ang panukalang-batas sa huling bahagi ng kasalukuyang buwan.

“Alam naman natin na Christmas is coming. May mga sale sa mall. Bawat Christmas season talaga lalo na ‘yung mga November, December, papasok na ‘yung Disyembre. Tatanggap na ng mga 13th month pay, bonus. So, magsa-shopping na talaga ‘yan, eh, kasi ang Pilipino talagang isa sa mga pinakamalaking piyesta ng Pilipino ay Pasko,” paliwanag ni Andanar.

Ngunit, aniya, kahit hindi maipasa kaagad ang nasabing panukalang batas, tiwala siyang gagampanan ng traffic enforcers ang kanilang trabaho. - Beth Camia