Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY - Nakilala na ng Tarlac City Police ang isang call center agent na tinadtad ng saksak bago itinapon sa irrigation road ng Sitio Bhuto sa Barangay Tibag, Tarlac City, nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ni Chief Insp. Joshua Gonzales kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, 20 beses na pinagsasaksak si Henry Allied, 29, call center agent, ng Bgy. Motrico, La Paz, Tarlac.

Nang mag-follow up ang mga awtoridad sa naturang kaso ay lumutang ang pangalan ni Nelson Almoite, nasa hustong gulang, ng Bgy. Sapang Maragul, Tarlac City na may kinalaman sa pagpaslang.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naaresto si Almoite at nakuha mula sa kanya ang cell phone ni Allied, at natuklasan kalaunan na nahaharap din ang suspek sa mga kasong rape at murder sa Angeles City, Pampanga.