Ni JIMI ESCALA

BUKOD kay Ms. Philippines -International Mariel de Leon, leading lady rin pala ni Coco Martin sa Ang Panday si Miss International 2016 Kylie Verzosa. Ito ang ibinalita sa amin ng isa sa mga namamahala ng publicity ng pelikula.

Kylie copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Diwata raw ang papel ni Kylie na nagmula sa ibang mundo at makikilala naman ng character na ginagampanan ni Coco bilang si Flavio. Tuwang-tuwa nga raw si Kylie na napasama siya sa pelikulang pinagbibidahan, dinirihe at produced ng Primetime at Drama King.

Banggit pa nga raw ni Kylie, kakaibang leading man at direktor si Coco Martin.

“He is amazing. He knew what he wanted right away and what to tell you. It’s difficult to transform from actor to director. Ang galing niya,” sey pa raw ni Kylie.

Samantala, nalaman din namin from another source na may isyung lumabas daw na kesyo hiwalay na raw sina Coco Martin at Julia Montes na sa totoo lang ay hindi pa rin naman umaamin sa real score nila.

Sinasabing si Julia pa raw ang nakipaghiwalay kay Coco dahil sa sobrang paghihigpit ng huli sa una bilang kasintahan.

Sakal na sakal na raw si Julia sa mga pagbabawal ni Coco. Bawal daw magpahawak ng kamay si Julia sa mga leading man niya at lalong bawal na bawal daw na magkaroon ng love scene ang Kapamilya actress sa mga leading man niya.

Lahat ng mga ito ay itinanggi ng kausap naming publicist ng Ang Panday.