TATANGKAIN ni dating WBC Asian Boxing Council featherweight champion na pumasok sa world rankings sa pagharap kay WBA-NABA featherweight titleholder Toka Kahn-Clary ng United States sa Disyembre 1 sa The Strand Ballroom and Theatre, Providence, Rhode Island sa United States.

May perpektong rekord si Moralde na 19 panalo,10 sa knockouts kumpara kay Kahn-Clary na may 23-1-0, kabilang ang 16 pagwawagi sa knockouts at nakalistang No. 14 sa WBA featherweight rankings.

Pilipino ang unang tumalo sa 1st round knockout kay Khan-Clary sa katauhan ni dating Philippine at WBA Intercontinental super bantamweight titlist Jhon Gemino na itinuturing nang journeyman dahil tig-apat na beses sumabak sa Mexico at United States, minsan sa South Africa at nakatakdang lumaban sa Russia kay WBC Youth featherweight champion Evgeny Smirnov sa Nobyembre 27.

Ang sagupaan nina Khan-Clary at Moraled ay promotion ng The Real Deal Boxing ni dating heavyweight champion Evander Holyfield kaya malaking pagkakataon sa Pinoy boxer na maipakita ang husay nito sa boksing lalo’t ipalalabas ang sagupaan sa CBS Sports Network sa buong North America,

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re very excited to announce this outstanding featherweight clash between Toka Kahn-Clary and John Vincente Moralde,” sabi ni Holyfield sa BoxingScene.com. “The winner of this fight will have a great opportunity to continue his path towards a world title opportunity and these high stakes are exactly what will bring out the best in each fighter.”

“This is clearly the toughest match of each fighter’s professional career and we anticipate an excellent fight for fans in the arena and those watching on CBS Sports Network,” dagdag ni Holyfield. - Gilbert Espeña