HINDI na kailangan ng kandila at hindi na rin kailangan ng ulan dahil natupad na ang wish ng fans na ibalik ang koreanovelang minahal nila with all their hearts and souls, ang Goblin, sa ABS-CBN simula ngayong Lunes (Nov 13).

Muling balikan ang kuwento ng matapang na heneral na si Kim Shin (Gong Yoo) na isinumpang mabuhay habambuhay bilang Goblin o tagapagtanggol ng mga kaluluwa. Makalipas ang mahigit 900 taon, makikilala niya ang babaeng tatapos sa sumpa— si Erin (Kim Go Eun) na tinaguriang Goblin’s bride. Mahuhulog ang kanyang loob sa dalaga at ibubuwis ang kanilang buhay sa ngalan ng pag-ibig.

Huwag palalampasin ang muling pagbabalik ng Goblin, pagkatapos ng The Promise of Forever, ngayong Lunes sa first and true home of asianovelas, ang ABS-CBN.
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony