Ni JIMI ESCALA

TAHASANG inamin ni Aiko Melendez na in love na naman daw siya. At mukhang serysohan na raw ngayon. Pero hindi raw siya handang isiwalat sa publiko kung sino ang lucky guy.

Kahit nang tanungin namin kung taga-showbiz o hindi ang bagong nagpapasaya sa kanya, hindi sinagot ni Aiko.

“Well, in time naman, eh, malalaman din ng lahat. Pero sa ngayon talaga, eh, akin muna,” sey ng mahusay na aktres.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Aiko Melendez
Aiko Melendez
Dalawang beses nang nagpakasal si Aiko na parehong nauwi sa hiwalayan. Sa pangatlong pagkakataon kaya, happy ending na?

“Well, medyo hindi pa tayo darating d’yan. I mean, hindi ko pa nga masasabi sa inyo ang name niya, di ba? Basta masaya kami ngayon,” sagot ni Akikay.

Sumasabay sa masayang takbo ng love life ni Aiko ang career niya. Isa sa mga inaabangan araw-araw sa Wildflower ang papel niya bilang si Emilia Ardiente.

“Kahit kontrabida ang role ko sa Wildflower gustung-gusto ko ito. Maraming nagagalit sa akin sa mga nanonood pero pakiramdam ko, eh, mahal pa rin nila ako.

“Medyo kakaiba talaga ang role ko bilang si Emilia Ardiente na isang corrupt public official na anak ng isang sobrang corrupt din na politician na ginampanan naman ni Tirso Cruz III,” kuwento ni Aiko.

Nananatiling numero uno at hindi matinag-tinag sa ratings chart ang Wildflower na pinagbibidahan ni Maja Salvador. Bukod kina Aiko at Tirso, kasama rin nila sa serye sina Sunshine Cruz, Tirso Cruz III, Joseph Marco, Wendell Ramos, Vin Abrenica at ang bagong dagdag sa cast na si Zsa Zsa Padilla bilang si Red Dragon.