ISA si Ariel Rivera sa talents ni Boy Abunda pero hindi raw ‘yun ang dahilan kung bakit ipinagmamalaki niya na ABS-CBN ang tahanan niya. Nakagawa rin kasi si Ariel ng mga proyekto sa labas ng Kapamilya Network.

“For me kasi, ABS-CBN is my home. I started here, I was built here. I learned the ways here. I’ve always thought this to be my home. Meron lang tayo minsang vacation home, napupunta ako sa kabila but this has always been my home,”diretsong banggit ng husband ni Gelli de Belen.

Ariel Rivera
Ariel Rivera
Pero para hindi naman daw basta-basta na lang niya gagawin ang isang proyekto, dahil may mga konsiderasyon din siya para tanggapin ang projects na ino-offer sa kanya.

“First and foremost,bago ko tanggapin ang project, it is always, for the project. Kumbaga, anong klaseng project ito at ano ang magiging role ko. Hindi naman ‘yung basta na lang natin susunggaban ang offer,” lahad actor.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tuwing may iniaalok na bagong proyekto, itinatanong niya agad kung ano ang gagawin niya sa istorya.

“Siyempre, I ask first kung ano’ng gagawin ko. I have to challenge or enjoy or kailangan magustuhan ko ‘yung istorya bago ko tatanggapin ‘yun,”aniya.

Siyempre, nagpakatotoo rin naman si Ariel na bukod sa mga nabanggit ay kailangan din niyang alamin ang talent fee niya.

“Kailangan ko rin naman ang pera, eh,” napatawang banggit ng singer/actor. —Jimi Esacala