Ni ROY C. MABASA

Opisyal na magbubukas ang 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong araw sa Manila at inaasahang tatalakayin ng sampu lider sa rehiyon ang mga isyu sa politika, seguridad, ekonomiya, at socio-cultural.

Si Pangulong Rodrigo Duterte, chairman ng ASEAN ngayong taon, ang mangunguna sa opening ceremony sa Cultural Center of the Philippines sa Pasay City. Kasabay ng 31st Summit ang pagdiriwang ng 50th anniversary ng ASEAN.

Pagkatapos nito ay didiretso ang mga lider sa Philippine International Convention Center (PICC) para makilahok sa mga sumusunod na diskusyon: 31st ASEAN Summit Plenary; ASEAN-US Commemorative Summit; 20th ASEAN-China Summit; 19th ASEAN-Republic of Korea Summit; 20th ASEAN-Japan Summit, at ang 9th ASEAN-United Nations Summit.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar na tatalakayin ng mga pinuno ang samu’t saring paksa na nakaaapekto sa lahat, kabilang ang kalakalan at pamumuhunan, innovation, pagtugon sa cybercrime, pagsupil sa radicalization, humanitarian assistance at disaster relief, connectivity, pagtutulungan laban sa trafficking in persons, proteksiyon at pagsusulong ng mga karapatan ng mga migranteng manggagawa, persons with disability at iba pang mahihinang grupo, at pagpapalakas sa ASEAN community sa modelo ng regional integrations.

Sa Martes, Nobyembre 14, pamumunuan ni Pangulong Duterte ang 20th ASEAN Plus 3 Summit, ASEAN-Canada Commemorative Summit, ASEAN-European Union Commemorative Summit, 12th East Asia Summit (EAS), at ang 15th ASEAN-India Summit.

Sa tanghali, ang Pangulo ay magiging punong abala ng tanghalian bilang parangal sa EAS heads of state and government at bisita ng Chair.

Sa tanghali, dadalo ang ASEAN leaders sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), sa closing ceremony ng 31st ASEAN Summit at paglilipat ng chairmanship sa Republic of Singapore.

Kinagabihan, inaasahang haharap si Pangulong Duterte sa media para isara ang 31st ASEAN Summit and Related Meetings.

Inaasahan ding ilalabas ng Pangulo ang chairman statements para sa ASEAN Summit, Plus One, ASEAN Plus Three at sa East Asia Summit.

Ang mga lider na dumadalo sa dalawang araw na 31st ASEAN ay sina: Sultan Hassanal Bolkiah, Brunei Darussalam; Prime Minister Hun Sen, Kingdom of Cambodia; President Joko Widodo, Republic of Indonesia; Prime Minister Thongloun Sisoulith, Lao People’s Democratic Republic; Prime Minister Najib Razak, Malaysia; Satte Counsellor Do Aung San Suu Kyi, Republic of the Union of Myanmar; Prime Minister Lee Hsien Loong, Singapore; Prime Minister Prayut Chan-o-cha, Kingdom of Thailand; Prime Minister Nguyen Xuan Phuc, Socialist Republic of Vietnam; Prime Minister Malcolm Thurnbull, Australia; Prime Minister Justin Trudeau, Canada; Premier Li Keqiang, People’s Republic of China; President Donald Tusk, European Union; Prime Minister Shinzo Abe, Japan; Prime Minister Narendra Nodi, India; Prime Minister Jacinda Ardern, New Zealand; Prime Minister Dmitry Medvedev, Russian Federation; President Moon Jae-in, Republic of Korea; President Donald Trump, United States of America; and, Secretary General Antonio Gutierez, United Nations.

Itinatag ang ASEAN sa Bangkok, Thailand noong Agosto 8, 1967 sa paglalagda ng limang founding members – ang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore at Thailand – sa ASEAN Declaration. Simula noon ay lumawak ang ASEAN at sumali sa samahan ang Brunei Darussalam, Cambodia, Lao PDR, Myanmar at Vietnam.