Ni REGGEE BONOAN

“AKALA ko ba’y walang kamatayan si Samantha (Maricar Reyes-Poon)?”

Ito ang iisa at sunud-sunod na tanong sa amin ng mga kaibigan at kaanak naming nakasubaybay sa La Luna Sangre nitong Martes ng madaling araw.

Oo nga, bakit nga ba namatay si Samantha? Hindi ba’t wala siyang kamatayan? Siya pa naman ang contact person ni Prof T (Albert Martinez) para sa mga susunod na hakbang ng Moonchasers.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

 

Ang naisip naming sagot ay para iligtas si Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) sa paniniwala ni Sandrino/Supremo/Gilbert Imperial (Richard Gutierrez) na ito ang Babaeng Nakapula o Lady in Red dahil nga nagwawala na sa pagkamatay ni Barang (Sharmaine Buencamino). Lalo’t nagpaalam si Jacintha na pupunta ng Indonesia at may aasikasuhin na ang totoo ay nagpunta sa gubat para mabasa ang aklat na kinasusulatan kung paano mapapatay si Sandrino/Supremo.

 

Pero mukhang may patibong ang pagpunta ni Jacintha (Angel) sa gubat dahil alam ito ni Sandrino/Supremo.

Samantala, huwag nang mainip ang KathNiel supporters dahil malapit nang makuha ni Malia (Kathryn) ang kanyang kapangyarihan bilang Bagong Itinakda at kaya nga nagbalik si Lia bilang si Jacintha para tulungan ang anak na hindi pa kayang harapin si Supremo (Richard).

 

Sana naisip ng supporters ng KathNiel na kapag ipinakita o nakuha na ang kapangyarihan ni Malia, e, di tapos na agad ang La Luna Sangre.

 

Samantala, nagtanung-tanong kami kung hanggang ending ang character ni Angel sa LLS, “Hindi po masabi kasi fantaserye ito, so alam na.”

 

Oo nga naman, sa fantasy series, lahat ng namamatay ay puwede pang mabuhay.