Ni: Orly L. Barcala

Namatay sa ulcer ang isang preso sa Jail Management Section (JMS) ng Caloocan City Police kamakalawa.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center si Vincent Nacion, 34, ng Block 5, Lot 60, Area 111, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Ikinulong si Nacion sa kasong paglabag sa R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), nitong nakaraang linggo.

National

PBBM office, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱10.5B proposed budget sa 2025

Base sa report, idinaing ni Nacion ang pananakit ng kanyang tiyan at agad siyang isinugod sa nasabing ospital, bandang 8:25 ng umaga.

Pagsapit ng 1:48 ng madaling araw, binawian ng buhay si Nacion.

Sa pagsusuri ni Dr. Xinnia Palacio, nagdugo ang bituka ng preso dahil malala na ang ulcer nito.