Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

1: 00 n.h. -- Mapua vs CSB

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

3:30 n.h. -- San Beda vs Lyceum

MAHABA-HABANG pahinga ang pinagdaanan ng Lyceum of the Philippines Pirates. At sa kanilang pagbabalik sa hard-court, kailangan nilang maibalik ang wisyo at tamang kondisyon ng katawan at isipan kung nais nilang maikasa ang pakikipagtagpo sa kasaysayan.

Haharapin ng Pirates, awtomatikong umusad sa Finals bunsod nang impresibong 14-0 sweep, ang defending champion San Beda College sa Game 1 ng kanilang best-of-three title series ngayon sa NCAA men’s basketball championship.

Nakatakda ang duwelo ganap na 3:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.

“We need to play smart. Yung sipag namin, dapat madoble kung gusto naming makalikha ng kasaysayan,” pahayag ni Pirates coach Topex Robinson.

Target ng Lyceum ang kauna-unahang titulo sa pinakamatandang collegiate league sa bansa mula nang sumapi sa liga noong 2010.

“Malapit na konting tiyaga lang at nasa pedestal na kami,” ayon kay Robinson.

Kung pagbabasehan ang resulta ng dalawang laro sa elimination round, tunay na walang puwang ang patumpik-tumpik na diskarte sa Pirates.

Nagawang makabalik sa championship series ng San Beda – ika-14 na sunod --

Nang gapiin ang San Sebastian College sa stepladder semifinals, 76-67 , nitong Martes.

“It’s really hard. It’s a challenge. Tinanong nga ako before na we could choose to make it an advantage for us being away for a while, or a disadvanatge and we chose the first. We want it to be an advantage for us,” pahayag ni Robinson.

“They know that our job isn’t done, so I hope they stay playing humble, cause they know that they haven’t accomplished anything yet.,” aniya.

Magtutuos naman ang reigning titlist Mapua at La Salle Greenhills ganap na 1:00 ng hapon sa Game 1 ng kanlang best-of-three finals sa junior division.

Para sa kampo ng Red Lions, tunay na sila ang ‘underdogs’ sa serye.

Ayon kay coach Boyet Fernandez malinaw na paborito ang Pirates sa finals matapos nitong magdomina sa eliminations.

Muling sasandig ang Pirates kina MVP candidate CJ Perez, Mike Nzeusseu, kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino,skipper MJ Ayaay at Raymar Caduyac.

Mangunguna naman para sa tangkang title retention bid at 21st overall crown ng San Beda sina Javee Mocon, Donald Tankoua, Robert Bolick, pro bound Davon Potts at Arnauld Noah.