Ni: Gilbert Espeña

KABILANG si female entry Kim Carganilla Endico sa mga kalahok sa pagsambulat ng Joey Presente Cup 2017 1900 and below non-master rapid chess tournament sa Nobyembre 12 sa Gumaoc Day Care Center sa San Jose, Del Monte Bulacan.

Ang iba pang kalahok sa one day event na inorganisa ng Gumaoc Central Chess Club sa gabay nina Nelson Perena at Joey Presente ay sina John Edward at Michael Vito Cruz, Lionel at Lionheart Padulaga, Wyeth Matthew at Keith Eunice Farinas, Raven Talamisan, Ralph Jafper Madriaga, Jhune Angelo Dultra, Josh Mari Buenaventura, Nina Fabia, Mak Leo Belarmino, Jurlie Gutlay Jr., EJ Delos Santos at Paolo Valencia.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

May P4,800 total cash fund ang inilatag kung saan nakalaan sa magkakampeon ang P2,000. Maibubulsa naman ng ika-2 puwesto ang P1,000 habang hindi naman uuwing luhaan ang ika-3 hanggang ika-5 puwesto na tatangap ng tig P500, P300 at P200, ayon sa pagkakasunod. May naghihintay sa category prizes na magwawagi bilang top Elementary (P200), top high school (P300) at top unrated (P300).