Ni NITZ MIRALLES

NGAYONG Lunes ang balik ni Alexander Lee mula sa ilang araw na bakasyon sa Korea. Nagkaroon ng break sa taping ng My Korean Jagiya ang Korean actor/singer na minabuting bumisita muna sa Korea dahil nami-miss na raw niya ang pamilya at mga kaibigan.

  

Habang nasa Korea, bumisita si Alexander sa set ng TBS Double Date, ang radio program na isa siya sa mga host bago nag-audition at mapiling leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

  

Maganda sigurong ma-interview si Alexander after his visit sa Seoul para malaman kung ano ang ikinuwento niya sa mga kaibigan niya roon sa buhay at career niya sa Pilipinas.

  

In an earlier interview, nabanggit niyang he’s willing to stay longer in the Philippines dahil nga tinanggap siya ng mga Pinoy at may acting career siya rito. ‘Tapos may kontrata pa siya sa GMA Artist Center. Kaya lang, kailangan niyang bumalik sa Korea to finish his college education.

  

Anyway, hindi malaman ng production ng My Korean Jagiya kung paano pagbibigyan ang maraming request na mag-mall show sa kanila ang cast ng hit series.