SISIMULAN ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) ang kauna-unahang school-based National 3x3 Basketball Championship sa ilalargang Visayas Regional Games sa November 11 sa University of San Carlos Gym sa Cebu City.

Kabuuang 10 koponang mula sa Cebu, Bohol, Roxas City at Dumaguete City ang sasabak sa torneo.

Ang magwawaging eskwelahan sa Visayas Regional games ay makakausad sa National Grand Finals na gaganapin sa Manila sa February 2018.

Ang PCCL National 3x3 Collegiate Championship ay magsasagawa rin ng regional games sa Naga (South Luzon/Bicol), Dagupan (North/Central Luzon), Davao (Mindanao) at National Capital Region (NCR).

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Inaaanyayahan ang mga estudyante na makiisa sa programa.