NASUGBU, Batangas - Patay na nang matagpuan ng kanyang live-in partner ang isang negosyante sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa report ni PO3 Ramon Sanggalang, natagpuang nakabitin sa loob ng pag-aaring junk shop sa Barangay Putat si Ramil Yongzon, 39 anyos.

Dakong 5:00 ng umaga nitong Huwebes nang matagpuang nakabigti si Yongzon, gamit ang nylon cord.

Nabatid na nakaranas umano ng depresyon ang biktima nitong mga nakaraang araw na posibleng dahilan ng kaniyang papapakamatay, ayon sa report ng pulisya. - Lyka Manalo

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog