Ni NORA V. CALDERON

NATAPOS na ni Derek Ramsay ang All of You na second movie team up nila ni Jennylyn Mercado na official entry ng Quantum Films sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.

Derek copy copy

Nag-shoot pala sila ni Jennylyn ng mga eksena sa Taipei, Taiwan at mas mature ang role na gagampanan nila kumpara sa una nilang romantic-comedy movie na English Only Please na isa sa naging top grosser ng MMFF 2014. 

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

Nai-release na rin ang teaser ng kanilang movie na ipinost ni Derek sa Instagram.

Hindi issue kay Derek kung hindi man siya ang first choice sa movie na muling idinirihe ni Dan Villegas. Dapat kasi ay si Jericho Rosales ang muling makakatambal ni Jennylyn, pero nag-beg off ito for personal reason. Maganda raw ang samahan nila noon ni Jennylyn at hindi nagbago iyon ngayong ginawa naman nila ang All of You.

May pelikula ring gagawin si Derek sa Star Cinema katambal si Bea Alonzo at kasama nila si Paulo Avelino. 

Batgamat nakakagawa na uli ng pelikula sa Star Cinema, hindi masabi ni Derek kung may possibility siyang bumalik sa ABS-CBN.

Hindi alam ni Derek, dahil sa ngayon daw mayroon pa rin siyang contract sa Kapatid Network, sa TV5. Maswerte raw siya na pinapayagan siyang gumawa ng project sa labas ng network na tinatanaw niyang malaking utang na loob.

Pero open siya kung sakaling may offer na bumalik siya sa Kapamilya Network, kapag natapos na ang contract niya. Pero sa ngayon, priority pa rin niya ang TV5.