NAKOPO ni Marian Jade Capadocia ang singles at mixed double title sa Palawan Pawnshop-Pentaflores Open Tennis Championship kamakailan sa San Carlos City, Negros Occidental.

PNG Tennis winner - Marian Jade Capadocia returns a shot against Marinel Rudas during the Philippine National Games Tennis women’s single finals at Lingayen, Pangasinan on Friday, March 11, 2016. Capadocia won the match, 6-1, 6-4. Jojo Riñoza/Manila Bulletin

Ginapi ng 24-anyos at dating RP No.1 si Khim Iglupas, 6-3, 6-1, sa championship match. Umusad ang No.3 seeded sa Finals nang gapiin sina Ellain Bahonsua, 6-0, 6-0 (quarterfinals) at Rachel de Guzman, 6-0, 6-3 (semifinals).

Kasangga si National player Jason Patrombon, nagwagi sila kontra Shaira Rivera at Vicente Anasta sa mixed doubles finals, 6-4, 6-4.

‘Masayang-masaya po ako at nakatikim po uli ng panalo. Mas huhusayan ko pa po ang training ngayon at nakabalik ako sa National Team,” pahayag ni Capadocia.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng ‘stretch marks?’

Ang pambato ng Arellano University ay naalis sa RP team na sumabak sa SEA Games nitong Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.