Ni: Mary Ann Santiago

Magpapatupad ng traffic rerouting scheme ang lungsod ng Marikina ngayong Undas upang matiyak na ligtas at ‘hassle-free’ ang pagbisita ng mga residente sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ipatutupad ito simula ngayong Oktubre 31, 12:00 ng tanghali at tatagal hanggang Nobyembre 1, 12:00 ng hatinggabi upang maiwasan ang pagkakaipon ng mga sasakyan sa mga sementeryo lalo na sa Loyola Memorial Park.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, magiging one-way ang eastbound traffic ng A. Bonifacio Avenue mula Barangka Flyover hanggang Shoe Avenue stoplight. Ang lahat ng nais magpunta sa Loyola Memorial Park ay kailangang dumaan sa Marcos Highway patungong Barangka Flyover o Barangka Underloop upang makadaan sa A. Bonifacio Avenue.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Magsisilbing pasukan ang Gate 2 ng Loyola Memorial Park, at sa Gate 1 ang labasan.

Bukas naman sa southbound traffic ang Riverbanks Avenue patungong Marcos Highway.

May nakaposisyon ding command center sa apat na iba pang sementeryo sa lungsod (Our Lady of the Abandoned Parish Cemetery, Holy Child Cemetery, Aglipay Cemetery, at Barangka Cemetery). Ang mga ito ay kontrolado ng central command center ng Rescue 161 (Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office).