Ni Ernest Hernandez

ISA pang kampeonato ang naidagdag ni dating PBA MVP Jayjay Helterbrand para sa Ginebra Kings.

Sa edad na 41-anyos, masasabing handa nang isabit ng kalahati ng ‘Fast and Furious’ ng crowd-favorite ang kanyang jersey.

200px-Helterbrand copy copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sentro ng usap-usapan ang pagreretiro ni Helterbrand matapos ang selebrasyon ng Kings nang gapiin ang Meralco Bolts sa ikalawang pagkakataon sa PBA Governors’ Cup.

Mas naging maigting ang usapin nang tahasanng ipahayag nina LA Tenorio at Scottie Thompson na alay nila ang kampeonato sa beteranong pointguard.

Hindi na pinatagal ni Helterbrand ang usapin.

Sa panayam ng CNN Philippine Sports Desk, ipinahayag ni Helterbrand ang pagreretiro matapos ang 17 taong career sa PBA at nabuong tambalan kay Mark Caguioa sa Barangay Ginebra.

Tangan niya ang anim na kampeonato at isang MVP award.

“I’ve had a great career. I have no regrets whatsoever,” pahayag ni Helterbrand. “I think this is the perfect time for me to hang it up, and on my own terms. I don’t want to retire from basketball because of injuries.

Hindi naman malinaw kung susunod sa kanyang yapak si Caguiao.

“I want to dedicate this championship to Jayjay, kasi nag-usap kami – sabi ko sa kanya, we are going to miss him,” sambit ni Tenorio. “Si Mark (Caguioa) naman babalik pa ‘yan. Kaya pa niya. I want to dedicate this championship to Jayjay. “

Isang mentor naman ang turing ni Thompson kay Helterbrand na aniya’y tumulong sa paghubog ng kanyang career.

“Masaya ako, kasi na abutan ko pa siya. Alam ko kung paano siya mag-mentor sa amin. Isa talaga sa mentor ko sa team,” pahayag ni Thompson “At the same time, nakakalungkot kasi, yun nga, wala na si kuya Jay, isa siya sa nagmo-motivate sa amin. Next season, maninibago kami. “

Ang kaganapan sa career sa Ginebra, tampok ang back-to-back title sa Governors Cup at sapat na para talikuran ang career sa tamang pagkakataon.

“All of them are really up there. This is pretty sweet as well, playing in front of 54,000 people,” sambit ni Helterbrand.

“I’m just happy we were able to leave here with a smile on their face and all glory be to God cause you know, all these people prayed for us and wanted this as bad as we do. I’m just happy to be able to do it for them.”