Enrico Cuenca
Enrico Cuenca

ni Lito T. Mañago

NAKAUSAP namin ang newbie actor na si Enrico Cuenca pagkatapos ng Q&A sa grand presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted at pag-upo niya para magpainterbyu sa ilang entertainment reporters, napansin namin ang isang wolf tattoo sa kabilang pulso niya. 

Inurirat namin ito at hiningan siya ng paliwanag kung bakit wolf tattoo ang ipinalagay niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Ah, spirit animal ko po ‘yun eh,” sagot ng aktor ng Super Ma’am na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. “That’s my favorite and that’s my spirit animal, the wolf. 

Paliwanag pa ng binata, “Parang that’s the animal, ‘yung traits niya, nama-match sa personality mo. And if you believe in reincarnation that’s the  animal you come back as.

“Parang ano, fierce kapag nakita na niya ‘yung gusto niya -- like a prey -- they’ll hunt it talaga. Magaling ding mag-cooperate and very independent din in their own way din.”

Sa isang TV commercial na ipinalabas nitong nakaraang February unang nakilala si Enrico. Naging viral ang TVC sa social media na kapareha niya si Ashley Ortega (leading lady niya sa Super Ma’am at ka-partner sa Spirit of the Glass 2) at nakatulong para makilala rin siya bilang aktor. 

Co-managed si Enrico ng Mercator Model Management, Inc. ni Jonas Gaffud at ng GMA Artist Center (GMAAC). 

Okay daw naman ang experience niya sa Spirit of the Glass 2 na prodyus ng OctoArts at T-Rex Entertainment at ipalalabas sa November 1. 

“Actually, this is not my first movie I shot kasi prior to this tinapos namin ni Direk (Joey Reyes) ‘yung Recipe for Love with Christian Bables and I was a part of that. I played Benjie, co-worker ni Cora (Waddell),” kuwento ng baguhang aktor. 

“Sa Spirit, I play Andrei. Anim kaming barkada. I’m one of the guys. Girlfriend ko ‘yung character ni Ashley. I guess, the brief description would be sobrang ano siya- he’s rich, very realistic, medyo bratty pero very caring for his friends. It was fun doing the film.” 

“It’s cool kasi being on a film is not like in a commercial. Maraming shooting days sa film and you’re able to bond with the castmates, even the crewmates, may bonding talagang mangyayari.”

“It’s very challenging but very, very rewarding. Ang dami rin kasing mga like how you conduct yourself on set, how you conduct yourself off set na I’m learning along the way especially from great professionals like my co-actors at si Direk Joey, so I’m very fortunate,” paliwanag niya. 

Bukod kina Enrico at Ashley, kasama rin sa Spirit of the Glass sina Cristine Reyes, Janine Gutierrez, Benjamin Alves, Daniel Matsunaga, Arron Villaflor, Teri Malvar, Maxine Medina, Dominic Roque at maraming iba pa.