Ni NITZ MIRALLES

NAGKITA na sina Sharon Cuneta at Robin Padilla para pag-usapan ang gagawin nilang pelikula under Star Cinema. Si Cathy Garcia-Molina ang direktor na isa ito sa dalawang huling pelikulang gagawin niya bago niya talikuran ang showbiz.

Sa first week ng October dapat sinimulan ang shooting ng pelikula nina Sharon at Robin na wala pang title, pero tinapos pa ni Direk Cathy ang Seven Sundays. Dahil late masisimulan ang shooting ng reunion movie nina Sharon at Robin, late rin ang playdate nito at hindi masusunod ang ibinalita ni Sharon na sa November na mapapanood ang pelikula.

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta
Hindi na importante sa ngayon ang playdate ng pelikula, mas importante kung kailan sisimulan ang shooting. Nagdidiwang na ang fans ni Sharon na matagal nang gustong mapanood siya sa mainstream movie.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Ikinatuwa naman ng fans nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang pagkakasali nila sa cast. Sa isang picture, kasama nina Sharon at Robin sina Irma Adlawan, Toby Alejar, Marina Benipayo at Yayo Aguila. Kasama rin kaya sila sa cast o nakasama lang sa piktyuran?