Ni MARY ANN SANTIAGO

Muling pinaalalahanan ng awtoridad ang publiko, partikular na ang kababaihan, na mag-ingat at hanggat maaari ay huwag maglalakad nang mag-isa sa kalye makaraang holdapin at gahasain ang isang babae sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City kamakalawa.

Personal na nagtungo sa tanggapan ng Marikina City Police ang ‘di pinangalanang biktima upang ireklamo ang ‘di pa nakikilalang lalaki na humoldap at humalay sa kanya sa Panganiban Street sa Concepcion Dos, dakong 5:00 ng madaling araw.

Ayon sa biktima, naglalakad siya sa naturang lugar nang sumulpot ang isang lalaki na sakay sa isang pulang motorsiklo at hinablot ang kanyang bag, na naglalaman ng dalawang cell phone, at P600 cash.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matapos nito ay hindi pa rin umano umalis ang suspek sa kanyang harapan, at sa halip ay inutusan siyang hubarin ang kanyang pantalon at tuluyang inabuso.

Wala nang nagawa ang biktima nang humarurot ang suspek matapos ang panghoholdap at panghahalay.