Ni: Orly L. Barcala

Walang nakumpiskang kontrabando ang mga tauhan ng Special Weapon and Tactics-Special Reaction Unit (SWAT-SRU) ng Navotas Police at ang mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa “Oplan Greyhound” sa loob ng Navotas City Jail.

Ang naturang inspeksiyon ay base sa derektiba ni Mayor John Rey Tiangco, upang masiguro na malinis sa droga ang piitan.

“Kailangan matiyak natin na walang kontrabando lalo na ang ilegal na droga sa loob ng city jail, kasi malalagay sa peligro ang mga inmates kung mayroon mga ganyan sa loob ng kulungan,” ani Tiangco.

Eleksyon

Matapos iendorso ni Robredo si Pacquiao: Guanzon, may tanong ukol sa ‘cancel culture’

Hinalughog ng awtoridad, kabilang ang jail warden na si J/Sr. Inspector Joey Cenecera, ang buong pasilidad, dakong 4:00 ng madaling araw.

Tanging mga ballpen ang narekober sa loob ng mga selda.