Ni: Liezle Basa Iñigo

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang dahilan sa pagbibigti sa banyo ng isang 16-anyos na lalaki sa Barangay San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay PO2 Adrian L. Duenas, sinisilip ang maaaring dahilan sa pagpapakamatay ng binatilyo, na estudyante ng Grade 11 sa University of St. Louis sa Tuguegarao, kung ito ba ay may kinalaman sa eskuwelahan, sa pambu-bully, sa pamilya, sa mga ka-chat sa Facebook.

Batay sa police report, natagpuan ang binatilyo na nakabigti sa kisame at wala nang buhay sa loob ng banyo sa labas ng kanilang bahay.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nilinaw na ng pulisya na walang foul play sa pagkamatay ng binatilyo.